Mga Bugtong - B

Sunday, December 2nd, 2007 | Bugtong with No Comments »

Mga Bugtong  sa Letrang B. Pilipino Riddles on Letter B.

Babae
- Malambot ang puso’t mahina ang bisig, ngunit pinagagalaw ang buong daigdig.
- Sagisag ng kahinaan, puri ang kayamanan, hinhin ang katangian ganda ang puhunan.
- Buhay na hiram lamang, pinagmulan ng sangkatauhan.

Bakya
- Dala ni Neneng, dala si Neneng, kasama niya san man siya pumunta.

Bagyo
- Dumaan ang hari, ang mga tao ay nagtali.
- Dumaan ang hari, ang bahay ko ay nagiri.
- Walang pakpak, mabilis lumipad, malakwak gumawak.

Bahay
- Tubig kung sa isda, lugga kung sa daga kung sa tao’y ano kaya.
- Anaki’y bundok ay hindi naman, nagagamit na tanggulan, sa panahon ng tag-araw at tag-ulan.
- Walang diwa, walang lakas, kahit aba’y hindi mahahamak at alagad man ng batas, gumagalang, nag-iingat.
- Binalangkas ko’t binalutan, saka ko ibinilad sa araw.
- Puno’y lao-layo, dulo’y tagpo-tagpo.

Banig
- Ilog na kung araw ay kati, kung gabi ay laki.
- Kung gabi’y karagatan,kung araw ay kabumbungan.
- Nakalantad kung gabi, kung araw ay nakatabi.
- kung nakatindig ay kawayan,kung nakabuka ay karagatan.

Bangka
-Wala sa langit, wala sa lupa kung lumakad ay patihaya.
- Ang puno ay nasa gubat ang katawa’y nasa dagat.
- May likod walang tiyan, matulin sa karagatan.
- Hinalo ko ang nilugaw, tumakbo ang inihaw.
- Nagbahay ang gunggong, tihaya ang bubong.
- Kabaong walang Takip, sasakyang nasa tubig.
- Naligo si kapitan di nabasa ang tiyan.

Baril
- Isiniksik bago kinalabit, malayo ang sinapit.
- Isang biyas na kawayan ang laman ay kamatayan.
- Walang ngipin walang panga mainit na hininga.

Basket
- Bahay ni Kring-kring, butas butas ang dingding.
- Naktindig ng walang paa, may tiya’y walang bituka.

Bayabas
- Palayok mi Isko, punong ouno ng maliit na bato.
- Isang prinsesa nakaupo sa tasa.

Bibig
- Isang balong malalim, punong-puno ng patalim
- Pinasakan ko, ng pinasakan, hindi parin nasarhan.

Bibingka
- Apoy sa taas, apoy sa baba, salamangkero sa gitna.
- Nagsaing is Pusong nasa ibabaw ang tutong.
- Ang ilalim ay impiyerno, ang ibabaw ay purgatoryo, ang gitna ay nakakain mo.
- Nagsaing is Manong sa ibabaw ang gatong.

Bintana
- Halina’t gabi na sulong at umaga na.
- Kung araw ar humayo ka kung gabi ay halika.
- Kung gabi ay Saratsa, kung araw ay bukatsa.

Bituin
- Itinanim kinagabihan, inani kinaumagahan.
- Ako’y nagtanim ng dayap sa gitna ng dagat, walang puno’t walang ugat, humihitk ang bulaklak.
- Nagsabog ako ng binlid, pagkaumaga’y napalis.

Biyulin
- Sinakal ko muna bago ko linagari.
- Sa gubat ko tinaga, sa bahay umunga.

Bote
- Nagbibigay na’y sinasakal pa.
- May ulo’y walang tiyan may leeg walang baywang.

Bugtong
- Iniisip mong marunong, sinasabi ng gunggong.